Kasaysayan ng Pilipinas: Pinalawak at Updated na Edisyon
| By: | Teodoro Agoncillo; Fe Mangahas |
| Publisher: | C&E Publishing, Inc. |
| Print ISBN: | 9789719946113 |
| eText ISBN: | 9789719801016 |
| Edition: | 1 |
| Copyright: | 2012 |
| Format: | Page Fidelity |
eBook Features
Instant Access
Purchase and read your book immediately
Read Offline
Access your eTextbook anytime and anywhere
Study Tools
Built-in study tools like highlights and more
Read Aloud
Listen and follow along as Bookshelf reads to you
Pinanatili sa edisyong ito ang makabayang pananaw at sistemang nagtuturo ngkasaysayan para sa mga nagsisimulang mag-aaral o mambabasa. Ngunit may mga pagbabago ring ginawa. Una, tatlong bagong kabanata ang idinagdag—Kabanata 22 (Mula Unang Sigwa hanggang sa Deklarasyon ng Batas Militar), Kabanata 23 (Mula Batas Militar hanggang People Power), at Kabanata 24 (Pagkaraan ng EDSA hanggang sa Kasalukuyan). Pinalawak ng mga kabanatang ito ang saklaw ng libro pagkaraan ng Ikaapat na Republika hanggang sa panahon ng Batas Militar at sa kasalukuyang Ikalimang Republika. Ikalawa, pinalawak at pinayaman ang pagtalakay tungkol sa sinaunang kasaysayan, lipunan, at kultura ng Pilipinas at isinama ang mga bagong tala at tuklas na hindi pa nalalathala noong isinulat ang orihinal na libro. Bukod pa rito, isinama rin ang mga makabagong teorya at mga ebidensiyang nagbigay-daan sa isang bagong pananaw tungkol sa okupasyon at pamamahala ng Amerika sa Pilipinas. Panghuli, binago rin ang titulo ng ilang kabanata ayon sa maka-Pilipinong pananaw ng may-akda. Gayon din, bawat kabanata ay nagsisimula sa buod.