AGAPAY: Paghahanda sa Pamumuhay 4
| By: | Rodolfo C. Sajorda |
| Publisher: | C&E Publishing, Inc. |
| Print ISBN: | 9789719900935 |
| eText ISBN: | 9789719946595 |
| Edition: | 1 |
| Copyright: | 2014 |
| Format: | Page Fidelity |
eBook Features
Instant Access
Purchase and read your book immediately
Read Offline
Access your eTextbook anytime and anywhere
Study Tools
Built-in study tools like highlights and more
Read Aloud
Listen and follow along as Bookshelf reads to you
Ang Agapay: Paghahanda sa Pamumuhay ay batayang aklat sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP)—isa sa mga asignatura sa Makabayan Learning Areas ng Basic Education Curriculum (BEC)—ng mga mag-aaral sa ikaapat na antas sa elementarya. Naaayon sa itinakda ng mga dalubhasa sa edukasyon ang mga aralin dito. Layon ng Agapay: Paghahanda sa Pamumuhay na matulungan ang mga mag-aaral sa pagkatuto sa tinatawag na “life skills” o mga kasanayang nililinang ng indibidwal upang mapangalagaan at mapaunlad ang sarili. Layon din nito na maituro sa kanila ang kahalagahan ng paggawa at mahubog silang kapaki-pakinabang na kasapi ng pamilya at ng pamayanan. May apat na bahagi ang aklat. Ang una ay ang Sining Pantahanan. Nakapaloob dito ang mga aralin at gawaing makatutulong sa sarili at sa pamilya gaya halimbawa ng pangangalaga sa kasuotan, paggawa ng gawaing-bahay, at paghahanda ng pagkain. Ang ikalawa, Sining Pang-agrikultura, ay naglalaman ng mga gawain sa pagpapaunlad ng kabuhayan. Pangunahing tinatalakay rito ang pagtatanim at pag-aalaga ng hayop. Saklaw naman ng ikatlo, Sining Pang-industriya, ang gawaing-kamay at ang mga kasanayan sa paggawa ng iba’t ibang katutubong proyekto. Ibinabahagi rin dito ang mga aralin sa pananahi sa kamay. Ang pang-apat ay tumutukoy sa mga kaalaman hinggil sa pagnenegosyo gaya ng pagbubukas at pamamahala ng isang tingiang tindahan. Matututuhan din dito ang pag-iimbak ng pagkain na isa pang maaaring pagkakitaan. Sa kabuuan, pinagsikapang gawing napapanahon ang Agapay: Paghahanda sa Pamumuhay at makatutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral na naghahandang matulungan ang sarili, pamilya, at bansa sa hinaharap.